Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bebot, bading kalaboso sa bomb, gun jokes (Sa Papal visit)

bomb joke popeKALABOSO ang dalawang babae at isang bading makaraan manakot at mag-ingay na may dala silang bomba at mga baril na hindi na-detect sa kabila nang matinding seguridad na ipinatupad sa paligid at loob ng Quirino Grandstand kamakalawa.

Himas rehas sa Manila Police District Station 5 ang mga suspek na sina Ellyn Ventura , 26, medical secretary, tubong Zamboanga City; Erlinda Sion, 27, medical secretary, tubong San Fabian, Pangasinan; at ang bading na si Albert Corpuz, 21, kasambahay, residente ng 05 Bgy. Nilombot, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 12:30 p.m. nang maganap ang insidente sa panulukan ng P. Burgos at General Luna Streets, Intramuros, Maynila.

Batay sa salaysay ni Jasmin Valera, 34, ng Phase 3, F1 Alimasag St., Caloocan City, dahil sa takot niyang magkaroon ng stampede lalo’t kasama niya ang kanyang maliit na anak, isinumbong niya sa mga pulis na sinabi ng tatlong suspek na may dala silang bomba.

“Bakit ako may dalang bomba, bakit hindi nila na-detect?” pahayag aniya ng isa sa mga suspek. At sinundan ng dalawa pa ang katagang “Ako rin may dalang 45 …pesos,” at ng katagang “Ako rin, may dalang 38… pesos.”

Sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 (bomb threat) sa Manila City prosecutors Office ang naarestong mga suspek.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …