Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol tumilapon sa irigasyon nalunod

082914 dead babyNALUNOD ang 2-anyos sanggol na lalaki nang malaglag mula sa sinasakyang motorsiklo at nahulog sa irigasyon sa Brgy. Bisaya, Vintar, Ilocos Norte kamakalawa.

Ayon kay Senior Inspector Lauro Milan, chief of police sa bayan ng Vintar, ang biktimang si Angelo Pascual ay isinakay ng kanyang mga tiyuhin na sina Marvin Pascual at Jeffrey Quelnat sa isang motorsiklo at inilagay nila sa kanilang gitna habang papunta sa karatig bayan ng Bacarra.

Gayonman, habang naglalakbay ay biglang nawalan ng kontrol sa motorsiklo at tumilapon ang sanggol sa irigasyon.

Sinabi ni Milan, dahil sa malakas na agos ng tubig at parehong nasa impluwensya ng alak sina Pascual at Quelnat ay hindi na nila nahabol ang bata.

Napag-alaman, tumulong ang ama ng bata na si Joel Pascual, sumusunod sa pinagsakyan sa kanyang anak nang maganap ang insidente, upang masagip ang sanggol.

Agad isinugod sa Gov. Roque Ablan Sr. Mem. Hospital sa Laoag City ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, laking pagsisisi ng ama kung bakit hindi na lamang siya ang nagsakay sa kanyang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …