Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pumatay sa buntis na teenage bride itatapon sa dagat

Tapon sa dagatGENERAL SANTOS CITY – Buhay rin ang kailangang ibayad ng mister na pumatay sa kanyang misis na tatlong buwan buntis.

Ito ang sinabi ni ni Adeb Udag, tribal chieftain ng tribung T’boli. Aniya, alam ng suspek na buntis na ang 16-anyos misis bago niya pinakasalan.

Naging tampok sa kanilang tribu ang pagsasauli ng dowry sa unang mister ng biktimang si Noraida Sugod, bago pinakasalan ng suspek na si Tonio Gumbe.

Dagdag ng Tribal chieftain, nagbigay ng baka at isang kabayo si Gumbe bago sila ikinasal.

Napag-alaman ding may diperensya sa pag-iisip ang suspek nang nangyari ang krimen.

Kung mahuhuli ang suspek, agad siyang ilalagay sa kahon, lalagyan ng bato at itatapon sa dagat, alinsunod sa batas ng kanilang tribu.

Isa rin sa ritwal na ginagawa ng kanilang tribu ay ang pagsasauli nang doble sa dowry sa mister kung sakaling hindi ipinaalam na buntis ang babae sa ibang lalaki.

Una rito, binaril ng improvised 12-gauge shotgun ni Gumbe ang 16-anyos misis, tatlong araw matapos ang kanilang kasal makaraan mag-away ang dalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …