Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Logbook pa ng illegal drug transactions nakompiska sa Bilibid

121614 BilibidMULING nakakompiska ng logbook na naglalaman ng transaksyon sa bawal na droga ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid kahapon sa New Bilibid Prisons  (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang paghalughog ng NBP ay madalas nang ginagawa makaraan ang malaking raid na isinagawa noong Disyembre 15, 2014.

Ang pagsalakay na halos araw-araw na kung gawin ay ipinatutupad ng Bureau of Corrections, NBI, PNP, PDEA at Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Habang kinompirma ni NBI Director Virgilio Mendez, hawak na nila ang nakompiskang logbook, ledger at listahan mula sa NBP at ito ay kanila nang iniimbestigahan.

Ang naka-aalarma aniya, lumilitaw sa impormasyon sa logbook na may mga transaksyon na umabot ng Enero 7 bagama’t malimit na ang isinasagawang raid at mainit ang mata ng mga awtoridad sa NBP.

Dahil dito, naniniwala si Mendez na posibleng hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang transaksyon ng illegal na droga sa loob ng Bilibid.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …