Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Epal na politiko negosyante sinupalpal ng Palasyo (Sa Papal Visit)

EPAL tarpNANAWAGAN ang Palasyo sa mga politiko’t negosyante na maghunusdili sa pag-epal sa pagdating ni Pope Francis at gawin na lamang ang kanilang pagpapasikat sa ibang pagkakataon.

Sinabi ni Communications Secretary Herrminio Coloma Jr., ang sentro ng pagtitipon-tipon ng mga Filipino ay ang Santo Papa kaya’t dapat ay siya lamang ang sentro ng atensiyon.

Nauna nang nag-abiso ang Simbahan na hindi papayagang pumapel ang mga politiko dahil ang gustong makasalamuha ni Pope Francis ay ang mga pangkaraniwang tao.

Giit ni Coloma, pumili na lamang ng ibang okasyon ang mga naghahangad na mapansin dahil baka maaga silang mahusgahan ng taong bayan.

Sa nakatakdang courtesy call ni Pope Francis sa Malacanang, si Pangulong Benigno Aquino III ang pipili ng mga politikong maaaring makapasok sa Palasyo para makita ang Santo Papa.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …