Saturday , November 23 2024

4K nag-insenso sa SC vs masamang espirito (Para DQ vs Erap madesisyonan na)

Erap dqNAGSAGAWA ng pag-i-insenso at pag-iingay sa pamamagitan ng torotot ang mahigit 200 miyembro ng grupo ng kabataan na Koalision ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) o 4K sa harap ng Korte Suprema para palayasin ang masamang espirito sa lugar.

Ayon kay Koalision ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) o 4K Secratary General Andoy Crispino, mistulang nilulukuban ng masamang espirito ng katamaran ang Supreme Court dahil hanggang sa ngayon magdadalawang taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagbababa ng desisyon si Supreme Court Chief Justice Ma. Loudes Sereno hinggil sa disqualification case ng napatalsik na Pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Batay sa mga ulat na lumalabas sa pahayagan, sa draft ponencia ni Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen, konbinsido siyang kailangan sipain sa pwesto si Estrada bilang Mayor ng Maynila. Dahil  hindi absolute kundi conditional lamang ang pardon na ibinigay kay Estrada ni dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Arroyo nang mahatulan makulong ng habambuhay dahil sa kasong pandarambong.

“Noong 2013 pa, bago mag-eleksyon nang isampa ang kaso, pero bakit kaya 2015 na eh hindi pa rin sila nagdedesisyon? Nakapagtataka rin na nauna pa nilang madesisyonan ang mga isyu na pwedeng gamitin sa politika gaya nang Disbursement Acceleration Program o DAP at Priority Development Assistance Fund o PDAF at iba pang kasabay na kaso na may kahantulad na petisyon gaya ng kay Estrada. Pero bakit ang pagbibigay linaw sa mga taga-Maynila tila ay tinutulugan lang nila?” dagdag niya.

Naniniwala ang grupong 4k na baka may masamang espirito ang umiikot-ikot lang sa Korte Suprema kaya napapatagal ang pagdedesisyon ng SC para lumabas ang katotohanan.

“Kaya kami nagsagawa ng pag-i-insenso at pag-torotot sa SC para mapalayas ang masamang espirito sa lugar, alinsunod na rin sa mga tradisyon ng pagpasok ng bagong taon at sa pagpapalayas sa mga bad spirit,” saad pa ni Crispino.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *