Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 ipit gang tiklo sa Papal visit dry-run

040314 prisonARESTADO ang tatlong hinihinalang miyembro ng ‘ipit gang’ nang makahingi ng tulong ang saksi sa mga pulis na nagsasagawa ng dry-run sa pagdating ng Santo Papa, makaraan maaktuhan ang pagdukot sa babaeng biktima kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police Officer in Charge, Sr. Supt. Sidney Hernia ang tatlong suspek na sina Rolando Casadio, 49; Francisco Apolinario, 37; at Charlie Lopez, 52, pawang taga Cavite.

Inireklamo sa pulisya ang tatlong suspek ng biktimang si Eve Regine Calira, 23, ticketing officer ng Air-asia, ng Adelle 3, Unit 2, Dona Victoria, Santiago Subd., Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, habang nagsasanay ang mga awtoridad na pinamumunuan ni Senior Inspector Allan Mercado, sa harap ng Toyota Manila Bay sa EDSA, Pasay City, nang mapansin nila ang pagkakagulo sa loob ng isang bus.

Ayon kay Mercado, habang tumatakbo ang bus ay narinig nila ang isang pasahero na si Ronilo habang sumisigaw.

Agad hinabol ni Sr. Insp. Mercado kasama si SPO1 Nestor Rubel, ang bus at nasakote ang tatlomg suspek na positibong itinuro nina Ronilo at Calira.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …