Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, inuulan ng blessings

ni Ed de Leon

111014 sunshine cruz

MUKHANG happy talaga sa kanyang buhay ngayon si Sunshine Cruz. Napakaganda ng nagiging takbo ng kanyang career at siyempre happy siya na kasama niya ang tatlong mababait at matatalinong anak niya.

Sinasabi nga ni Sunshine, ang lahat ng pagsisikap niya sa ngayon ay hindi para lamang sa kanilang kabuhayan kundi lalo na sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Kung hindi nga naman niya gagawin ang ganoon ay walang kasiguruhan ang magiging kinabukasan ng mga bata.

Alam din naman ni Sunshine na maraming artista ngayon ang jobless, kaya nagsisikap na siya nang husto dahil bihira ang kasing suwerte niya na maraming trabahong nakukuha kahit na matagal din siyang nawala sa showbusiness.

Hindi na iniintindi ni Sunshine ang kanyang love life sa ngayon, kahit na nga sinasabi niyang payag naman ang kanyang mga anak na makipag-date na siyang muli, dahil siguro alam naman ng mga bata na may girlfriend na rin ang tatay nila. In fact madalas na nga iyong makita in public na kasama ang kanyang girlfriend ngayon na si Sandra Seifert. Pero sabi nga ni Sunshine, huwag na muna iyan sa ngayon dahil gusto niya maging maayos muna ang lahat. Wala pang annulment ang kasal nila ni Cesar Montano.

In the meantime, happy naman siya sa buhay niya at enjoy siya kaya walang problema iyon.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …