Saturday , November 23 2024

Seguridad ni Pope Francis klaro — PNP

PNPINIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling walang banta sa seguridad ni Pope Francis sa pagbisita sa bansa.

“As of now po, wala po talagang detalyado or partikular na impormasyon na natatanggap ang PNP [na banta],” sabi ni Deputy Dir. Gen. Leonardo Espina, officer-in-charge ng PNP.

Siniguro niyang patuloy ang pinaigting na seguridad para sa pagdating ng lider ng Simbahang Katolika para sa limang araw na pamamalagi sa bansa.

Sa misa ni Pope Francis sa Luneta sa darating na Linggo ay iinspeksyunin ng PNP ang mga bag ng milyon-milyong dadalo.

“May mga scanners po at saka metal detectors,” banggit niya.

Sakali aniyang kulangin sila ng kagamitan ay mano-mano ang kanilang inspeksyon sa mga bag.

Paglilinaw niya, hindi ipinagbabawal ang pagdadala ng backpack ngunit hinimok niya ang mga pupunta na isilid ang mga gamit sa transparent na plastic bag.

Payo ni Espina sa mga debotong pupunta sa mga misa at iba pang aktibidad ni Pope Francis, makiisa sa kanila sa pagpuksa sa ano mang krimen.

Paalala rin niya, bawal ang pagdadala ng mga armas at alak sa mga mga lugar ng misa ng Santo Papa.

Habang patuloy ang pagmo-monitor nila sa ilang hinihinalang grupo ng terorista.

3 Popemobile inihanda sa Papal Visit

TATLONG popemobile ang inihanda para sa pagbisita ni Pope Francis sa Filipinas.

Sa forum sa University of Santo Tomas (UST), sinabi ni Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, kabilang dito ang isang Kia popemobile na nagmula sa South Korea, Isuzu popemobile at jeepney-type popemobile na parehong gawa sa Filipinas.

Paliwanag ni Villegas, ito’y para may mapagpiliang sasakyan ang Santo Papa na akma sa lugar na pupuntahan niya.

Dagdag ng CBCP president, tatlo ang popemobile para matiyak na hindi maaabala ang biyahe ni Pope Francis sakaling magkaaberya ang isang sasakyan.

50 floating assets nakakalat na sa Manila Bay

NAKATAAS na sa full alert ang Task Force Maritime Security bilang bahagi ng pagbibigay seguridad sa pagbisita ni Pope Francis ngayong linggo.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commander Armand Balilo, nasa 50 floating assets ng PCG, Philippine Navy at Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang nakakalat sa Manila Bay para matiyak ang seguridad lalo’t magmimisa ang Santo Papa sa Luneta.

Ipatutupad din aniya ang no-sail zone sa Manila Bay simula Huwebes, Enero 15 hanggang Lunes, Enero 19.

Ibig sabihin, walang sasakyang pandagat ang makapaglalayag sa buong limang araw na pamamalagi ng Santo Papa sa bansa.

Cellphone jammer sa Papal visit pinag-uusapan pa

PINAG-UUSAPAN pa ng pamahalaan kung gagamit sila ng cellphone jammer para tiyakin ang seguridad ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Ayon kay Undersecretary of Legislative Policy and Legal Affairs of the Presidential Communications Operations Office Jess Yu, wala pang desisyon ang Palasyo kung gagamit ng cellphone jammer, ngunit  ito ay kanila nang tinatalakay.

Kung gagamit aniya ng cellphone jammer ay magpapalabas sila ng final advisory.

Matatandaan, noong 2012 nang ipagdiwang ang Pista ng Poong Itim na Nazareno ay gumamit ng cellphone jammer ang gobyerno dahil sa banta na natanggap sa araw ng prusisyon.

Leonard Basilio

Clearing ops sa Roxas Blvd sinimulan na

SINIMULAN na ang clearing operations sa Roxas Boulevard bilang bahagi ng paghahanda sa pagdating ni Pope Francis sa Huwebes.

Simula kahapon, hindi na pahihintulutan ang pagparada ng ano mang sasakyan sa side street ng nasabing kalsada.

Ayon kay Chief Insp. Olive Salaysay ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, epektibo ang no parking sa mga gilid ng kalsada hanggang sa Enero 19, Lunes pag-alis ng Santo Papa sa Filipinas.

Sarado mula Huwebes, Enero 15 ang mga kalye sa paligid ng Apostolic Nunciature sa Taft Avenue mula sa Quirino Avenue northbound hanggang sa Dagonoy Street malapit sa Vito Cruz.

Hindi rin madadaanan ng mga motorista ang likuran ng Apostolic Nunciature na pansamantalang tutuluyan ni Pope Francis, mula sa kanto ng San Andres, Leon Guinto hanggang sa Dagonoy Street.

Maglalagay ang MPD Traffic Enforcement Unit ng mga tarpaulin sa mga service road ng Roxas Boulevard upang magbigay-paalala sa mga ipinagbabawal sa pagbisita ng Santo Papa.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *