Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ng preso binugbog ginahasa ng pulis

111114 rapeCAGAYAN DE ORO CITY – Kasong rape at pambubugbog ang isinampa sa piskalya ng isang ginang laban sa pulis na kasapi ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa Lungsod ng Cagayan de Oro.

Ito’y makaraan maglakas loob ang 23-anyos ginang na ibulgar ang makailang beses na panggagahasa sa kanya ng suspek na si PO3 Zari Iraz, residente sa Brgy. Iponan sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Senior Insp. Ritchie Salva, hepe ng Bulua Police Station, mismong ang kanilang PNP Women and Children Protection Desk ang tumulong sa biktima upang maisampa ang kaso laban sa suspek.

Kabilang sa ibinunyag ng biktima ay ang sinasabing pangako ng suspek na makalalabas ng kulungan ang kanyang live-in partner na naaresto dahil sa pagtutulak ng droga sa Brgy. Bayabas sa Cagayan de Oro City noong Disyembre 2014.

Inakusahan din ng ginang ang suspek na nang-blackmail at nanloko sa kanya dahilan upang makailang beses siyang mabugbog at magahasa sa motel at sa mismong bahay ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …