Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manilyn, pursigidong magbawas ng timbang

ni Rommel Placente

011315 manilyn reynes

ANG New Years Resolution pala ni Manilyn Reynes ay ang magpapayat. Alam daw niya na mahirap gawin ‘yun pero susubukan at gagawin daw niya ang lahat para maging slim siya.

Sana nga magawang pumayat ulit ni Manilyn dahil hindi na siya magandang tingnan sa screen, sa totoo. Pero nakatulong naman ang pagiging mataba niya para magkaroon siya ng maraming project. Dahil nga sa pagiging mataba niya, kinuha na siya sa mga comedy role, nakilala na siya ngayon bilang isang komedyana, ‘di ba?

Si Sharaon Cuneta, balita namin hanggang ngayon ay mataba pa rin, na naging dahilan para hindi siya dumalo sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ginanap noong December 30 ng nakaraang taon.

Hirap talaga siyang magpapayat. Si Manilyn kaya, makaya nga kaya niyang magbawas ng timbang? At kung pumayat na siya, marami pa rin kayang project ang dumating sa kanya? Baka hindi na siya kunin sa mga comedy show ng GMA 7, ‘di ba? At baka hindi rin naman siya ilagay sa mga serye dahil maraming dramatic actress ang Kapuso Network.

Si Manilyn naman ay hindi nakilala bilang dramatic actress although mahusay din naman siya sa drama.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …