Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC at Paulo, nagsasabihan ng I love you (Kahit ‘di maamin ang tunay na estado ng relasyon)

011315 KC Paulo

00 SHOWBIZ ms mHINDI na siguro mahalaga pang aminin nina KC Concepcion at Paulo Avelino kung mag-on nga sila o kung anong estado ng relasyon nila ngayon. Sa mga ikinikilos ng dalawa, kitang-kita ang kasiyahan. Ang mahalaga siguro, masaya sila sa isa’t isa. At ibig sabihin ng mga kilos na ito’y mahal nila ang isa’t isa.

Sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice noong Linggo, inamin ni Paulo na sinasabihin niya ng “I love you” sa personal si KC at sinabing, “Mahal ko naman talaga si Kristina.”

Nang tanungin naman ni Vice kung ano ang isinasagot ni KC sa aktor, sinabi nitong hindi niya sinasabihan ng I love you ito. “Hindi ako ma-I love you, eh. Nag-ano na ako, wavu. So, naiinis siya kasi hindi siya I love you.”

Iginiit pa ni Paulo na, “Katulad nga ng sabi namin, we have something special and itine-treasure namin ‘yon. Kumbaga, wala namang exact date, pero nandoon lagi.”

Kung ating matatandaan, naroon lagi sa tabi ni KC si Paulo kapag down ang aktres tulad nang magkasakit ito na ilang araw nagbantay at nang mamatay ang Mamita nito. Hindi pa ba obvious ang mga ikinikilos nilang ito? Kailangan pa bang umamin? Hayaan na natin iyon sa kanila. Baka kasi hindi pa time para sabihin sa publiko ang estado ng kanilang relasyon.

Basta kami, happy kami para kina KC at Paulo. Kinikilig nga kami sa dalawa, sa totoo lang. Bagay na bagay kasi talaga sila.
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …