ni Pilar Mateo
A mother’s love! Sa kabila ng masasabi namang maayos na pagpapahayag ng leading man niya sa Edsa Woolworth na si Lee O’Brian sa intensiyon nito na lumawig pa ang relasyong nabuo sa kanila, buo rin ang loob ni Pokwang na tuparin muna ang pangako sa sarili at sa anak na hangga’t hindi ito nakaka-graduate at nakakapagsimula na ng maayos na buhay, love will still take a backseat.
Pero nang-iinggit na kasi ang mga gesture nila ni Lee sa isa’t isa roon mismo sa press conference ng pelikulang sa Amerika pa kinunan ang kabuuan bilang isa na namang proyekto ng TFC with direk John D. Lazatin at the helm!
Spell friendship. At ‘yun ang mga eksenang hinuli o kinaptyur namin sa kanilang presscon!
Another treat for the family ba naman ang hatid ng komedyanang hindi na matatawaran ang kahusayan sa pagganap sa mabibigat na eksenang sumasalamin sa journey ng isang pamilya.
Minsan na tayong napaiyak ni Pokwang sa A Mother’s Story. May ibang kurot sa puso rin ang hatid ni Edsa lalo’t marami sa atin ang mga may kaanak sa ibang bansa na makare-relate tayo.
Ang adobo ni Pokwang ang isa sa paboritong nai-share at nailuto na jiya kay Lee sa Amerika. Nang umuwi ito ng ‘Pinas, adobo na agad ang hinanap at inagahan sa hotel bago nagtungo sa presscon.
Hindi na nakapaghintay sa adobo ni Pokwang?
“Ayun kaya na-miss niya lalo kasi iba ang adobo ko siyempre!”