Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6-anyos paslit nalunod sa creek (Naghahanap ng gagamba)

082914 dead babyNAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang bata sa bayan ng Nabua makaraan malunod sa isang creek kamakalawa.

Ayon kay Virginia Rejaldo, lola ng biktimang si John Joven Abayon, 6, grade 1 pupil sa Nabua Central School, nahulog ang biktima sa isang creek sa Brgy. San Miguel.

Ayon kay Rejaldo, kasamang naghahanap ng gagamba ng biktima ang 5-anyos niyang kapatid.

Ngunit habang inaabot ang gagamba sa puno ay nahulog ang biktima sa Cagas Creek na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Dahil sa takot ng nakababatang kapatid ay hindi agad niya nasabi sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanyang kuya kung kaya lumipas pa ang magdamag bago nakuha ang bangkay ng biktima ilang kilometro mula sa lugar kung saan siya nahulog.

Ani Rejaldo, ilang araw bago ang insidente ay tila may premonition ang bata dahil nagtanong sa kanya kung pwede bang tumira sa langit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …