Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 11 sugatan sa pagsabog sa Capiz school

pontevedra pagsabogROXAS CITY – Patay ang dalawa katao habang 11 ang sugatan sa pagsabog sa harap ng isang paaralan sa Brgy. Lantangan, Pontevedra, Capiz kahapon.

Inihayag ni Brgy. Captain Henry Tumlos, dakong 12:10 p.m. nang marinig niya ang napakalakas na pagsabog.

Kasunod nito ay nakita na lamang na nakahandusay sa harap ng paaralan ang nagkalat na mga parte ng katawan ng suspek na siyang nagdala ng bomba.

Sinasabing nasa 12 bata ang nadamay sa pagsabog kasama na ang isang namatay na nananghalian lamang malapit sa barangay hall.

Ayon kay Tumlos, nakita ng ilang residente na naglalakad sa highway ang lalaking nakasuot ng kulay pink na damit na may dalang isang backpack nang bigla na lamang may sumabog.

Idineklarang dead on the spot ang 9-anyos na si Trina Rose Demayo habang sugatan ang 11 iba pa.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente kung ano ang motibo at uri ng pampasabog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …