Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, hindi lang isa, kundi 2 proyekto ang ipinagkatiwala ng Disney

 

011215 SARAH geronimo disney

00 SHOWBIZ ms mHALOS hindi raw makapaniwala noong una si Sarah Geronimo na may proyekto siya sa Disney. Kasi nga naman, hindi lang isang project ang ipinagkatiwala sa kanya, kundi dalawa.

Kaya naman ganoon na lamang ang kaligayahan ng singer/aktres na nag-portray bilang si Rapunzel mula sa Tangled para sa Disney’s 2015 calendar na ire-release sa Southeast Asia kasunod ang pagri-release rin ng kanyang bersiyon ng Disney tune naThe Glow sa December naman.

“Siyempre when I was told na gagawa ako ng project with Disney, sabi ko ‘Wow, totoo ba ito?’ Siyempre hindi ako makapaniwala at first, pero, ‘yun, very, very happy and thankful sa Disney kasi kinonsider tayo ng kanilang campaign, ng project nila at not just one project kung hindi dalawa. So, talagang nagpapasalamat ‘yung puso ko,” ani Sarah sa isang interbyu.

Actually, sobrang nakatutuwa talaga dahil hindi lang si Sarah ang nabigyan ng pagkakataon para rito. Kasama rin sa calendar na ito si Kim Chiu. Tampok kasi sa naturang kalendaryo ang 12 Disney Princess characters para sa bawat buwan at kasama nga rito si Kim bilang si Mulan naman. Kasama rin nila rito ang mga artista mula Thailand, Indonesia, at Malaysia.

011215 kim chiu disney

Ayon sa The Walt Disney Company, napili sina Sarah at Kim dahil sa pagpapakita ng positive values at pagiging magandang role model sa mga kabataan.

“Maraming salamat po na na-appreciate nila na ako ang nag-represent ng character ni Rapunzel dito sa Pilipinas at of course ang ating fellow Kapamilya si Kim Chiu she portrayed Mulan. Very, very proud kami. Proud tayo sa bansa natin,” giit pa ni Sarah.

Sa dalawang proyektong ito ni Sarah sa Disney, matatawag na siyang from Pop Princess to Disney Princess.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …