ni Roldan Castro
NAKARE-RELATE pala si Pokwang sa kanyang role sa pelikulang Edsa Woolworth dahil gumanap siya bilang mapagmahal na stepdaughter sa isang Ameikanong may Alzheimer’s disease. Sa totoong buhay ay medyo uma-Alzheimer na rin daw ang nanay niya. Sa kung ano-anong pangalan siya tinatawag at hindi na Marietta. Hindi na rin daw sila naipagluluto.
Rito pumapasok ang paglalaan ni Pokwang ng maraming oras sa pamilya niya at medyo isantabi muna ang pansariling kaligayahan.
“Habang nandito pa sila, ang magulang natin, at nakakasama natin sila at buhay pa ay ibigay natin ang nararapat para sa kanila,” sambit niya sa presscon ng pelikulang Edsa Wollworth na showing sa January 14 na prodyus ng The Filipino Channel (TFC) at Star Cinema. Directed by John D-Lazatin.
Mukhang paborito ng TFC si Pokwang dahil second movie na niya ito sa kanila. Nauna na angA Mother’s Story. Ano ang nararamdaman niya?
“Siyempre, kapag nakasalalay sa ’yo ang title ng pelikula, mas challenge sa akin na pagbutihin ko, paghusayan ko. Mas may challenge po talaga, pressure,” deklara niya.
Tinanong din si Pokies sa real score nila ngayon ng kasama niya sa movie na si Lee O’Brian.Tuloy naman daw ang friendship pero alam daw niya ang priority niya.
“Hindi ako nagsasara ng door,” aniya.
So, hindi niya priority ang lovelife?
“Sumasakit na nga ang likod ko. Ha! Ha! Ha! No… Basta, hindi naman ako choosy. Alam ko lang kasi kung ano ang priority ko,” pakli ni Pokwang.