Monday , December 23 2024

Pokwang ipagluluto nang bonggang-bongga ang american actor leading man na si Lee O’brian (Mukhang MU na nga at bibisita pa sa kanyang bahay!)

011215 Pokwang Lee O'brien

00 vongga chika peterAMONG our stars, masuwerte si Pokwang at ‘yung mga pelikulang ipinagkatiwala sa kanya ng TFC na “A Mother Story” at latest film na Edsa Woolworth, palabas na simula January 14 sa mga theater nationwide na may adbokasiya tungkol sa pagpapakita nang pagmamahal sa pa
milya.

Dahil relate na relate ang mga kababayan nating OFWs ay pinilahan ang nasabing movie ni Pokey nang ipalabas sa US at Canada noong November 14, 2014 at na-extend ng one week dahil sa request nang marami na dagdagan pa ang special screening. Agad naman pinagbigyan ng Star Cinema. Sa ganda at mapusong istorya nito at ibinigay na magandang performance ni Pokwang kasama ang mga co-Pinoy and American actors umani ng papuri ang pelikula. Kung maraming pinaiyak si Pokey sa A Mother Story, dito sa Edsa Woolworth, tiyak na mamahalin ninyo ang kanyang character na mas pinili ang pamilya kaysa pansariling interes. Pagdadaanan nila ng kanyang pamilya Woolworth ang isang roller coaster ng mga emosyon habang sabay-sabay na haharapin ng bawat isa ang mga karanasan na labis magbabago sa kanilang mga buhay at magbibigay kahulugan sa kanilang desisyon. Buong-buo ang mga Woolworth, sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa isa’t isa, sa kadahilanang mayroon silang kakaibang apeksyon at todong respeto para sa isa’t isa. Ang mga Woolworth ay isang nakatutuwang pamilya na kinabibilangan ng mga miyembro na may iba’t ibang personalidad.

Bagamat marami silang pagkakaiba at ‘di pagkakaunawaan, napapanatili nilang magsama-sama kahit na ano pa ang mangyari. Nakasentro ang Edsa Woolworth sa isang di pangkaraniwang pamilya na nagkakaisa sa kabila ng kanilang pagkakaiba pagdating sa lenguwahe, nasyonalidad, kultura at ang katotohanang hindi sila magkakadugo. Pero may pang-kilig rin sa pelikula at ‘yan ang kissing scene nina Pokwang at leading man na si Lee O’Brian na umano ay ka-MU na ng sikat na komedyana, na ipinagluto niya ng kanyang special adobo. Ngayong araw, Lunes ay nakatakda siyang bisitahin ni Lee sa kanyang tahanan sa Antipolo. Kasama rin pala sa cast ng Woolworth sina Stephen Spohn, Ricci Chan, Prince Saruhan, Lee Robin Salazar at Princess Ryan na mula pa rin sa direksyon ni John-D Lazatin na director ni Pokey sa A Mother Story noong 2012. Ang kapana-panabik na pelikula ay opening salvo ngayong 2015 ng nangungunang movie outfit sa bansa na Star Cinema at bahagi rin ito ng kanilang ika-20 anibersaryo.

So there, tangkilikin natin ang sariling atin gyud!

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *