Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash at Alexa crush ang isa’t isa bagito mas matindi sa kanilang bagong yugto ngayong 2015

 

011215 Ella Nash Alexa

00 vongga chika peterHumarap last Friday sa entertainment press ang tatlong stars ng Bagito na sina Nash Aguas, kalabtim na si Alexa Ilacad at ang young actress na pa-sexy nang konti ang image na si Ella Cruz para sa thanksgiving presscon na ipinatawag ng Dreamscape Entertainment.

Present rin sa presscon ang mga director ng serye na sina Direk Onat Diaz at Jojo Saguin. Una nagpasalamat sina Nash at Alexa dahil kahit malalim at maselan ang istorya ng serye nila na tumatalakay sa teenage pregnancy and parenthood ay tinanggap ng TV viewers. Para kay Nash, mas doble ang saya niya dahil una, natupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling teleserye and second nag-hit pa.

Kaya naman sabi ng young actor, ibang level ang happiness na talagang nararamdaman niya. Aminado rin siya at ang kalabtim na si Alexa na nakatulong ang pagkakaroon nila ng crush sa isa’t isa sa mga eksena nila together lalo na ‘yung kilig scenes. Nang matanong si Nash, kung saan siya humuhugot ng kanyang mahusay na pag-arte dahil sa napakagaling na performance niya bilang batang ama, sey niya, nadadala raw kasi siya talaga sa karakter niya. Si Ella Cruz naman very happy rin dahil finally ay nabigyan siya nang ganito kagandang project at marami raw aabangan ang viewers sa bago nilang Yugto na may kaugnayan sa anak nila ni Nash.

Samantala, upang mas makapagbigay ng gabay sa TV viewers, makikipagtulungan ang “Bagito” sa institusyon na Center for Family Ministries (CEFAM) para sa pagbubukas ng “Bagito Hangout” online forum na maaaring magtanong at humingi ng payo ang netizens sa counselors ng CEFAM. Ito ay magsisimula na sa Enero 19 (Lunes), mula 6:30PM hanggang 7:30PM sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout.

Bukod kina Nash, Alexa, at Ella, bahagi rin ng powerhouse cast ng “Bagito” ang mga batikang artista na sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino. Kasama rin sina Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang mga miyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia.

Huwag palampasin ang pagbukas ng bagong kabanata ng teleseryeng magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, “Bagito,” gabi- gabi, bago mag-”TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Bagito,” bisitahin ang official social networking sites ng Dreamscape sa Twitter.com/DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH. Ma- aari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Bagito” gamit ang ABS- CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon. May magandang adbokasiya gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …