ni Alex Brosas
SA pagpasok ng taon ay may intriga kaagad kay Marian Rivera.
Kalat na kalat na sa social media ang ginawa raw pagtataray ni Marianita kay Isabelle Daza na anak ni Gloria Diaz.
Ang chika, ipinarating daw ni Marian ang kanyang pagtataray kay Isabelle through Liz Uy.
Nagselos kaya si Marianita dahil sa mga eksena ni Isabelle kay Dingdong Dantes sa MMFFentry nila? Ano ang ikinagalit niya kay Isabelle?
Knowing Gloria, ang madir ni Isabelle, baka makatikim ng taray itong si Marianita kapag nabalitaan nitong tinarayan ng dyowa ni Dingdong ang kanyang anak.
Ang chika, nagselos pala itong si Marianita dahil sa Instagram post ni Isabelle na kasama niya si Dingdong. Nagtaray daw ng todo ang hitad at sinabing hindi na makakasama si Isabelle saKubot 3 at hindi raw ito magaling umarte.
Ano raw?
Between Marian and Isabelle, mas hindi hamak naman na magaling umarte ang huli. Kayang-kayang lamunin ni Isabelle si Marian, ‘no.
Still on Marian, nasulat na lesbian-themed teleserye ang next na gagawin nito. Ano ito, second wave ng gayserye ng Siete?