Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza at Enrique, wagi na sa serye, wagi pa sa tao!

101014 Enrique Gil Liza Soberano

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG tuloy-tuloy ang pananagumpay ng Forevermore. Simula nang umere ang teleseryeng ito na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, lagi itong panalo sa ratings kahit first time lamang nagsama ang dalawa. Ibig sabihin, tanggap ng masa ang kanilang loveteam gayundin ang istorya nito.

Bagamat nagkaroon ng bagong katapat na programa ang Forevermore, hindi ito natinag dahil panalo pa rin sa labanan ng national TV ratings ang kilig-serye. Sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Enero 5), nakakuha ng national TV rating na 23.6% ang Forevermore, o mahigit walong puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng pilot episode ng programa ng GMA na Once Upon A Kiss na mayroon lamang (15.2%).

At sa totoo lang, kahit saan yata kami magpunta, pinag-uusapan at inaabangan ang mga magaganap sa love story nina Agnes at Xander. Dagdag pa riyan na marami ang nagnanais pumunta sa Benguet para madalaw ang location ng Forevermore na nagiging tourist attraction na sa nasabing probinsiya. Ang bongga ‘di ba?!

Hindi lang nakapagbigay ng magpapasayang panoorin sina Liza at Enrique, nakatulong pa sila sa isang lugar para makilala iyon.

Sa tagumpay na tinatamas ng Forevermore, isa lang ang nais nitong patunayan, sobra-sobra na ang lakas ng dating ng tambalang Liza at Enrique!

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …