Friday , November 15 2024

Kartel sa bawang sibuyas kontrolado ng iisang grupo

bawangKONTROLADO ng iisang grupo o mga indibidwal ang kartel at importasyon sa bawang at sibuyas sa bansa.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng Office for Competition ng Department of Justice (DoJ).

Ayon sa ulat na pirmado ni Assistance Secretary Geronimo Sy, kaparehong modus operandi na naging dahilan nang matinding pagtaas ng presyo ng bawang, ang natuklasan din sa sibuyas.

Ang Sanitary and Phyto-Sanitary Import Clearance o SPSIC ay iniisyu sa pinapaborang mga grupo ng mga importer sa pamamagitan ng kanilang mga dummy.

Partikular na tinukoy ng DoJ report ang grupong Vegetables Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines Incorporated o VIEVA Philippines na siyang may hawak ng kartel sa sibuyas.

Ang nasabing grupo na pinamumunuan ni Lilia Matabang alyas Leah Cruz ang siyang sinasabing nagsisilbing coordinating center ng mga magsasaka, mga kooperatiba, importer, exporter at mga vendor.

Katunayan, si Cruz at ang VIEVA Philippines ang sinasabing parehong kumokontrol sa National Garlic Action Team (NGAT) at National Onion Action Team (NOAT), dalawang ahensya na inatasang magrekomenda ng patakaran sa industriya ng bawang at sibuyas.

Karamihan ng mga opisyal ng NGAT at NOAT ay mga may-ari o pinuno ng mga negosyo na nag-aangkat ng bawang at sibuyas at miyembro ng VIEVA Philippines.

Lumabas din sa pagsisiyasat ng DoJ na mula 2011 hanggang 2013, 52 percent o 305 mula sa 585 import permit na inisyu sa nabanggit na panahon ay naibigay sa mga may negosyo na konektado kay Cruz at sa VIEVA Philippines.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *