Saturday , November 23 2024

Desisyon ng SC sa mga polisiya ni Robredo, OK kay Roxas

091114 mar roxasSinuportahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdedeklarang legal ang mga polisiyang isinulong ng yumaong si dating DILG secretary Jesse Robredo na nagtataguyod ng transparency at accountability sa local government units (LGUs).

“Ang mga polisiyang ito ang pamana sa atin ni Sec. Robredo sa pagsusulong ng Tuwid na Daan,” ani Roxas hinggil sa tatlong DILG Memorandum Circulars (MCs) na idineklarang legal kamakailan ng SC.

Ang mga ito ay ang MC 2010-83 na nag-aatas ng buong paglalantad ng budget, finances, bids at public offerings ng LGUs; MC 2010-138 na may mandatong gamitin ang 20% bahagi ng taunang internal revenue allotment (IRA) para sa development projects; at ang MC 2011-08 na nag-uutos sa LGUs na estriktong sumunod sa Section 90 ng General Appropriations Act of 2011 kaugnay sa paggamit ng IRA.

“Dapat nating ipreserba at ipagpatuloy ang pamanang ito ni Sec. Robredo na nagtitiyak ng transparency at accountability sa mga pamahalaang lokal,” diin ni Roxas.

Sa pamamahala ni Roxas, tiniyak ito sa sama-samang pagsisikap ng LGUs, mga komunidad sa kanayunan at mga grupong pangrelihiyon sa ilalim ng Ugnayan ng Barangay at mga Simbahan (UBAS) para sa mga Kristiyano at Huntahan ng mga Ulama para sa Mamamayan (HULMA) para sa mga grupong Muslim sa Mindanao.

“Tulad ni Sec. Jesse, naniniwala kami na napakahalaga ng mga mamamayan sa pagpapatuloy ng mga reporma sa ilalim ng Tuwid na Daan,” dagdag ni Roxas.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *