Sunday , December 29 2024

Davao Immigration mukhang sasalto na kay Mayor Rudy Duterte

121514 BI davaoPANAHON na upang tuluyan nang harapin ni Immigration Commission Siegfred Mison ang sindikato naman ng mga kotongero sa Davao Immigration.

Mukhang hindi umano nakontento sa mga nabibiktima nilang mga dayuhan kaya maging ang local government unit (LGU) na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte ay inilakad ng KOTONG sa mga Bombay.

Mayroon umanong impormasyon at sumbong na nakaabot kay Mayor Duterte na bawat ‘transaksiyon’ ng nasabing sindikato sa Davao Immigration, P5,000 umano ang nakatara para sa BI-DAVAO.

Aba sa sobrang galit sa sindikato d’yan sa Davao Immigration ‘e nauna pang umusok ang ilong ni Mayor Duterte kaysa mga kili-kili ng mga Bombay.

At ‘yang galit na ‘yan ay ibinuhos talaga ni Mayor at narinig ng sambayanan sa isang estasyon ng radyo nakaraang Sabado.

Kung napagalit ng sindikato sa Davao Immigration si Mayor Duterte at tahasang nagdeklara sa media, isa lang ang ibig sabihin n’yan may bi-BINGO na sa mga tao mo d’yan Commissioner Fred Mison.

Dapat mo nang patunayan ang sinasabi mong “bad guys out, good guys in.”

Sa totoo lang, madalas na nating naririnig ‘yang reklamong ‘yan at minsan na nating nakanti ang isyung ‘yan.

Pero hindi natin alam kung saan at kanino nanghihiram ng tapang ng sikmura at kapal ng mukha ang sindikato d’yan sa Davao Immigration at napakalakas ng loob nilang mamayagpag hanggang dumating ang panahon na maging ang pangalan ni Mayor Duterte ay tahasan na nilang ginagamit.

At doon sila nagkamali.

‘Yun na pala ang “The End” nila.

Knowing Mayor Duterte, suwerte na kayo kung kakasuhan lang kayo sa Korte at sa Ombudsman…

E kung ipanguya sa inyo ‘yang ilang limang libong piso na kinikil ninyo sa mga Bombay, tingnan natin kung sino sa inyo ang tatagal!

Aabangan po namin ‘yan, idol Mayor Rudy Duterte!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *