SO, payag na si Kris Aquino na magtuloy-tuloy ang bunsong anak na si Bimby sa showbiz. Paano’y inihayag ng batang actor na magkakaroon na siya ng solo movie!
Mismong si Bimby daw ang nagbalita nito ayon sa artikulong nasulat saabscbnnews.com. Inihayag ni Bimby ang pagkakaroon ng solo movie sa joint thanksgiving party ng The Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui noong isang gabi.
Siguro’y nakita rin ni Kris ang potential ng kanyang anak kaya pumayag na itong magkaroon ng solo movie. Imagine, kumita ng P415-M ang pelikula nina direk Wenn Deramas at Vice Ganda samantalang ang movie ni Chito Rono naman ay kumita ng P225-M as of January 9, ayon sa Star Cinema.
Siyempre sa laki ng kinita ng Praybeyt Benjamin, may contribution doon si Bimby.
Nagpasalamat daw in advance si Bimby kay Star Cinema head Malou Santos sa pagpayag nitong iprodyus siya ng solo movie.
ni Maricris Valdez Nicasio