Sunday , December 29 2024

Deboto pa patay sa stampede

FRONTNADAGDAGAN pa ang bilang ng namatay sa isinagawang traslasyon ng Itim na Nazareno nitong Biyernes.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang pangalawang biktimang 18-anyos deboto na kinilalang si Christian Mel Lim ng 1926 Anakbayan St., Malate, Maynila.

Ayon kay SPO3 Glenzor A. Vallejo, ng MPD Homicide Section, puro gasgas at may marka ng mga tapak sa katawan ang biktima nang matagpuan habang nakahandusay sa kalsada dakong 4:07 kahapon ng madaling-araw makaraan maipasok sa Quiapo Church ang imahe ng Itim na Nazareno.

Sa tulong ng mga volunteer ng Philippine Red Cross na naka-istasyon sa lugar, dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

“May mga bruises. May bakas ng mga tapak ng tao, nakamarka pa sa katawan. Kasi sa dami ng tao, siksikan pa dun, e, pag nawalan ka ng malay, napahiga ka, matutungtungan ka talaga, hindi ka na makababangon. Daig pa nun ang stampede,” paliwanag ni SPO3 Vallejo.

Ayon sa ama ng biktima na si Dennis Lim, ang kanyang anak ay limang taon nang namamanata tuwing Pista ng Black Nazarene.

Una rito, isinugod kamakalawa sa Manila Doctors Hospital ang negosyanteng si Renato Gurion, 44, nawalan ng malay nang atakehin sa puso.

Isinugod si Gurion sa Manila Doctors Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Si Gurion ay miyembro ng Hijos Del Nazareno, ang grupong naatasang magbigay seguridad sa imahe ng Itim na Nazareno.

Ang labi ni Gurio  ay nakaburol sa kanilang tahanan sa Basilio St., Sampaloc, Maynila.

2 casualty sa traslasyon ikinalungkot ng Palasyo

IKINALUNGKOT ng Malacanang ang pagkamatay ng dalawang deboto sa prusisyon ng Itim na Nazareno na inabot ng madaling araw kahapon bago naibalik sa Quiapo Church.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nauunawaan nila ang panata at debosyon ng mga relihiyoso ngunit sana maiwasan ang ganitong trahedya.

Ayon kay Valte, mahalaga ang pagkakaisa at unawaan ng bawat isang kasali para maiwasan ang ganitong sakuna.

“Oo, tama ‘yon. Actually, na-monitor natin na mayroon ngang isang nasawi kahapon, na ‘yung kabahagi siya ‘nung Hijos de Nazareno. Sayang, nakaka… Parang, ano ho, while we understand the nature of the religious event, we also want that people remain safe at nakikita naman po natin ‘yung mga ganitong pangyayari. But we believe that, if everybody does their share and everybody acts accordingly, maiiwasan po natin ‘yung mga malalaking sakuna at maiiwasan po natin ‘yung mga ganitong pangyayari,” ani Valte.

15 truck ng basura nahakot sa Traslasyon

NAKAHAKOT ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authrotiy (MMDA) ng 15 truck ng basura na iniwan ng mga debotong dumalo sa piyesta ng Black Nazarene kamakalawa.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, tone-toneladang basura ang kanilang nahakot mula sa Quirino Grandstand hanggang sa harap ng Simbahan ng Quiapo makaraan ang traslasyon ng Itim na Nazareno.

Sumakit ang ulo ng mga tauhan ng MMDA sa pasaway at walang disiplinang mga deboto dahil sa kabila nang paglalagay nila ng mga basurahan ay hindi nagamit ang mga ito.

Jaja Garcia/Leonardo Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *