Sunday , November 17 2024

Breakfast forum ni Mayor Fred Lim biglang dinumog

032614 fred lim sunogNAKAGUGULAT ang biglang pagdami ng mga nagsisidalo, umaaligid o nagsi-uzi sa Breakfast Forum ni Mayor Alfredo Lim.

Dati kasi ang nakikita nating regular na dumarating lang ay sina Itchie Cabayan, Jerry Tan, Caloy Baltazar at ilang beterano at ilang senior citizen na hindi na kayang tawaran ang katapatan at paghanga kay Mayor Lim.

Pero nagulat tayo nang mapansin natin na parang nadagdagan ng mga ‘bagong-lumang’ mukha ang hanay ang mga nagsidalo sa nasabing Breakfast Forum.

Ayon sa ilang genuine loyalist na malalapit kay Mayor Lim, tila nabago umano ang ihip ng hangin nang umugong ang balita na pagtitibayin na ng Supreme Court ang ponente sa Disqualification Case na inihain laban kay Joseph “Erap” Estrada.

Noong isang taon (2014) pumutok ang balitang ito bandang Setyembre. Pero nang walang mangyari sa kabuuan ng Setyembre bigla umanong nagkaroon ng kompiyansa ang kampo ni Erap na kung maibababa man ang  desisyon malamang anim na buwan na lang, eleksiyon na ulit.

Muli lang nawindang ang kampo ni Erap nang pagtibayin ang diskwalipikasyon laban sa kanyang pamangkin na si ER Ejercito dahil sa labis na paggastos sa nakaraang eleksiyon.

Kaya nangarag na naman ang kampo ni Erap na sa palagay nang marami ‘e dahilan para mag-isip ang ilang grupo na lumipat na naman ng bangka.

Marami tayong mga kaibigan ang humihiling na sana nga ay magdesisyon na ang Supreme Court. Masyado na nga namang nabibinbin ang ‘katarungan’ para sa magkabilang panig.

Tayo man ay isa sa naghahangad nang mabuti, makatuwiran at lohikal na desisyon ng Supreme Court.

Pero gusto rin natin paalalahanan si Mayor Lim, na maging maingat sa mga mahilig mag-alok ng suporta at serbisyo dahil karamihan sa mga nag-aalok nang ganyan ay mayroong malaking interes na pinakaiingatan.

Marami nga ang natuwa sa mga original na dumadalo sa Breakfast Forum ni Mayor mula nang mabawasan ng isang DOBLE KARA pero marami rin pala ang biglang nagsulputang ‘bagong-lumang mukha.’

Anyway, naniniwala at nagtitiwala tayo sa mga desisyon ni Mayor Lim at sa palagay natin hindi na niya hahayaang magtiwala sa mga maling tao.

Alam na rin naman ni Mayor Lim kung sino ang mga nakasama niya noong panahon na nakaupo siya at noong panahon na may pansamantalang nakasungkit ng posisyon niya.

Asahan ni Mayor Lim na mananatili ang katapatan ng mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

Sa hanay ng mga mapagkakatiwalaan ni Mayor (kung sakali) kuwidaw sa mga hakbang na sablay dahil hindi po natin palalampasin ‘yan at ako mismo ang babanat sa inyo lalo na kung makasisira sa kampo ni Mayor.

Sulong Mayor Lim!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *