ni Ronnie Carrasco III
IS showbiz unkind to former Laguna Governor ER Ejercito?
Sa pagtatapos ng 10-day Metro Manila Film Festival, sad to say, ang kanyang pelikulang kalahok failed to make a killing at the box office. Sa walong entries, his film came in last as far as gross receipts.
‘Yun kaya’y dahil wala na siya sa puwesto after the Commission on Elections disqualified him because of overspending? Pero nasaan na ang mga tagasuporta noon ni Gov na nag-vigil pa sa Kapitolyo ng Laguna para manatili siya sa puwesto, hindi ba sila nanood ng pelikula?
Unlike the previous years, maingay ang dalawang magkasunod na MMFF entries ni ER, thanks to his former publicist Jobert Sucaldito. Ito ‘yung mga panahong hitsura ng variety show ang mga presscon cum Christmas party ng Gobernador.
But last 2014, nary a trace of that glorious past ang nasaksihan ng press. Kulang na nga sa publisidad ang pelikula, sumemplang pa sa takilya.
Call it double whammy.