Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pumugot sa ulo ng live-in partner arestado

082714 police line crimeNADAKIP makaraan magtago sa batas nang mahigit sa tatlong taon ang isang 38-anyos lalaking suspek sa pagpugot ng ulo ng kanyang live-in partner, nang matagpuan sa pinagtataguang lugar sa Sitio Amilig, Brgy. Balaynan, Goa, Camarines Sur.

Ang nadakip na suspek na itinala bilang number 4 most wanted person sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, sa Bulacan ay kinilalang si Sonny Guevarra, naninirahan sa nasabing lugar.

Naaresto ang suspek dakong 1 p.m. kamakalawa sa bisa ng arrest order na inisyu ni Judge Basilio R. Gabo, Jr. ng Regional Trial Court, Branch 11, sa Malolos City, Bulacan, sa ilalim ng Criminal Case Number 1680-M-2012 para sa kasong murder.

Ayon sa rekord ng pulisya, si Guevarra ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo ng biktimang si Celia Gumban noong Nobyembre 12, 2011 sa kanilang bahay sa Brgy. Camachili, sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, sa Bulacan, makaraan silang magtalo sa hindi nabatid na dahilan.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …