Friday , November 15 2024

P1.5-M ecstacy pills nasabat ng Customs

ecstacyTINATAYANG P1.5 million halaga ng hinihinalaang ecstacy pills ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BoC), sinasabing nanggaling sa The Netherlands.

Agad itinurn-over ng Bureau of Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabat na ecstacy pills.

Sa report na ipinadala ng BoC, ang nasabing parcel ay naglalaman ng 1,010 tablets ng methylenedioxy methamphetamine (MDMA) o mas kilala bilang ecstasy.

Ayon kay BoC Deputy Commissioner Jessie Dellosa, ang nasabing parcel ay ipinadala ng isang J. Vermolen mula Netherlands noong Disyembre 9, 2014 para sa isang Martin Sean S. Duenas ng Parañaque city.

Dumating sa Parañaque Post Office ang nasabing parcel noong December 22.

”We will continue to work with PDEA and other law enforcement agencies to stop the entry of illegal drugs and other contraband goods,” pahayag ng Bureau of Custom.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *