ni Vir Gonzales
TIPONG si Jennylyn Mercado na ang nagre-reyna ngayon sa GMA.
Magbuhat noong manalo ng award si Jennylyn mula sa pelikulang English Only, Please katambal si Derek Ramsay nasundan agad ito ng isang serye.
Ang serye ni Jen ang pambungad na handog ng Kapuso Network ngayong 2015. At tipong maganda ang dating ng taong ito sa aktres.
Umani ng positibong feedback si Jen kaya naman marami ang nagsasabing posibleng ito na ang mag-reyna sa GMA.