Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot pinatay isinilid sa maleta ng dorm mates

112514 crime sceneHALOS hindi na makilala ang 27-anyos babae dahil sa pagkabasag ng ulo nang matagpuan sa loob ng isang maleta makaraan patayin ng dalawang babaeng dorm mate kamakalawa sa Baguio City.

Natagpuan ang bangkay ni Buena Sol Arro sa kanyang apartment sa Brgy. Loakan Proper, Baguio City dakong 9 a.m. kamakalawa.

Sa tantya ng mga pulis, nangyari ang krimen bandang 9 p.m. hanggang 11 p.m. nitong Lunes.

Lumilitaw din sa imbestigasyon ng mga pulis na pinukpok ang biktima sa ulo gamit ang tubo.

Kinompirma ni Dr. Jaime Rodrigo Leal, medico-legal officer ng Philippine National Police (PNP) Crime Lab, tumutugma sa tubo ang blunt traumatic head injury na ikinamatay ng biktima.

Kwento ng kasintahan ni Arro na si ‘Boy’, “Sabi ko sa dalawa, ‘Asan si Sol?’ Pagkapasok ko in-open ko ‘yung room niya, ang gulo. Pumunta ako sa may sink, pagtingin ko, nakita ko yung blanket namin kasi may butas yung sink. Sabi ko sa ‘min yun a. Nakita ko si Sol na pala. Ano’ng ginawa nila?”

Sinasabing nag-ugat ang krimen sa alitan sa bayad sa renta.

Narekober mula sa dalawang suspek ang laptop, dalawang cellphone at digital camera ng biktima. Mayroon pang ninakaw na pera ang mga suspek ngunit nagastos na nila.

Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang suspek na nakapiit na sa Baguio City Jail at nahaharap sa kasong homicide with theft.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …