Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adult diapers inisnab ng ilang MMDA personnel

MMDA diaperHINDI sinunod ng ilang traffic officers at crowd control personnel ang utos ng Metro Manila Development Authority na magsuot sila ng adult diapers habang nagbabantay sa prusisyon ng Itim na Nazareno kahapon.

Nauna rito, inihayag ng MMDA na kailangang magsuot ng adult diapers ang traffic officers at crowd control personnel na magbabantay sa pagbisita ni Pope Francis.

Sinabi ni MMDA official Emerson Carlos, ang pagsusuot ng diapers ay magkakaroon ng trial run sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

“These diapers are actually being used regularly as standard operating gear for soldiers belonging to the North Atlantic Treaty Organization (NATO) and the United States Army to fight Talibans in Afghanistan since 2012. Even the Buckingham Palace guards,” pahayag ni Carlos.

MMDA personnel napahiya sa diaper

AMINADO ang ilang traffic constables ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na napahiya sila sa publiko makaraan ihayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang pagpapasuot sa kanila ng diaper.

Sinabi ng ilang enforcer, (na ayaw magpabanggit ng pangalan), walang problema sa kanila kung pasusuutin sila ng diaper, ang kanilang sentimyento ay hindi na sana inianunsyo sa publiko ni Tolentino na pagsusuutin ng diaper ang mga nakatalaga sa piyesta ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Umani ng batikos ang mga enforcer dahil sinasabing ang mga baby lamang at ang mga maysakit na nakahiga at hindi na kayang bumangon ang dapat magsuot ng diaper.

Sa panig ng tanggapan ni Tolentino sa pamamagitan ng Public Information Office (PIO) ng MMDA, hindi compulsory o sapilitan ang pagpapasuot ng diaper kundi kung sino lamang ang may gusto.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …