Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 areas firearms free zone — PNP

no to gunMAHIGIT na ipagbabawal ng pamunuan ng pambansang pulisya ang pagdadala ng armas sa mga lugar na tutunguhin ni Pope Francis para sa kanyang limang araw na Apostolic and Pastoral visit sa bansa.

Ito’y bilang dagdag na hakbang ng PNP upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng nasabing national event.

Ayon kay PNP OIC chief, Police Deputy Director General Leonardo Espina, layon ng pagdeklara ng Firearms Free Zones sa mga lugar na pupuntahan ni Pope Francis kasama rito ang mga ruta na dadaanan ng Santo Papa, ay para matiyak ang kaligtasan ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika at maging ng publiko.

Kabilang sa mga lugar na idineklarang Firearms Free Zone ay ang mga sumusunod: Nunciature Area, Taft Avenue, Manila;

Malacañang Palace; Manila Cathedral; SM Arena, Mall of Asia; Villamor Airbase, Pasay City; University of Santo Tomas;  Quirino Grandstand; Tacloban City; at Palo, Leyte.

Nagpalabas kahapon ng memorandum si Espina sa regional police directors ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Eastern Visayas hinggil sa kanyang direktiba kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law.

Mahigpit din ang bilin ni Espina sa mga opisyal ng PNP, hulihin at arestuhin ang sino mang magdadala ng armas sa loob ng simbahan, sa public drinking and amusement places, mga commercial at public establishments.

Sinabi ng heneral na mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-display ng mga armas, sakop dito ang lahat ng gunholders kabilang ang mga miyembro ng PNP,AFP at ibang miyembro ng Law enfocement agencies na naka-civilian attire.

Una nang inihayag ng PNP na kanilang sususpendihin pansamantala ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …