Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

500 deboto nilunasan ng MMDA

nazarenoMAHIGIT 500 deboto ng Black Nazarene ang natugunan ng first aid station ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni Eduardo Gonzales, head ng Road Emergency Group First Aid Station ng MMDA sa Quirino Grandstand, iba’t ibang kaso ang kanilang tinugunan karamiha’y nahirapang huminga, nahilo, tumaas ang presyon ng dugo at may ilan ding natuklapan ng kuko at bahagyang napilayan.

Lahat aniya ay nagpahinga lang sa first aid station bukod sa isang epileptic patient na inatake at kinailangang isugod sa Manila Doctors Hospital.

Mahigit 100 rescue personnel ng MMDA ang nakatalaga sa Quirino Grandstand.

Dinaanan ng traslasyon agad nilinis ng MMDA

AGAD nilinis ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga lugar na dinaanan ng traslasyon ng Black Nazarene.

Pagkaalis ng mga deboto sa Quirino Grandstand na dumagsa roon, agad naghakot ng basura ang mga streetsweeper karamiha’y pinagkainang styro, bottled water, mga hinigaang karton at mga tsinelas.

Bitbit ng mga streetsweeper ang walis, dustpan at kariton na nilalagyan nila ng basura.

May nakasunod na rin silang trak ng basura na naghakot ng mga naipong basura ng streetsweepers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …