Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymart, tinuldukan na ang posibilidad na pakikipagbalikan kay Claudine

ni Roldan Castro

010915 claudine raymart

“WALA na,” ang mabilis na tugon ni Raymart Santiago nang tanungin kung wala na bang second chance sa kanila ng estranged wife niyang si Claudine Barretto.

“Kung mayroon mangsecond chance siguro ay pagkakaibigan na lang,” aniya.

Pero mahal pa ba niya si Claudine?

“Wala na eh,” diretso niyang sagot.

Bakit isinasara niya?

“Masyadong marami nang nangyari. Sinabi ko nga kung tinanong ako nito three years ago, iba ang isasagot ko,” bulalas pa niya.

May regret ba siya na pinakasalan niya si Claudine?

“Wala,” sambit niya.

“Wala naman. Nagkaroon kami ng dalawang anak,” dagdag pa niya sabay tawa.

Hindi kaya bumalik ang pagkaka-link niya kay Jennylyn Mercado? Rati ay nagkaroon ng tsismis sa kanila noong magkasama sila sa isang serye.

“Sabi ni Jen, hindi pa ako ready,” sagot niya.

Samantala, sinuportahan pala ni Raymart si Jennylyn dahil nanood siya ng English Only Please. Kasama ba niya si Jen na nanood?

“Hindi , ako lang mag-isa, ha!ha!ha! Hindi kapatid ko kasama ko,” pakli niya.

Tanggap ni Raymart na nagda-drama na siya ngayon at hindi na action star. Nagpakita rin siya ng katawan. Shirtless na hindi niya ginagawa rati. Ang ganda raw ng katawan niya. May mga nagsasabi rin na nagmukhang binata ang aura niya at hindi na mukhang tatay.

“Napaganda pa ‘yung pagkakahiwalay ko kay Claudine,” tumatawa niyang reaksiyon.

Wala bang chance na nagkita sila ng mga anak niya noong Christmas?

“Hindi may schedule ako. Basta, may schedule ako na hindi natuloy,” sambit niya.

Hindi naman pinigil?

“Hindi ko na alam ‘yung dahilan pero naireport ko na,” sey pa niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …