Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, talent manager na rin

00 fact sheet reggeeNAKATSIKAHAN namin kamakailan si Maja Salvador habang nagpi-pictorial ng iniendoso niyang Sisters sanitary napkin.

Panay ang banggit ni Maja ng ‘second chance’ ‘yun pala may ibig sabihin siya, dahil kinuha siya muli ng Megasoft Hygienic products (Super Twins baby dry, Cherub Disney baby colognes, Grand Adult Diapers, Lampein baby comfort) na pag-aari nina Mr. Emilio at Mrs. Aileen Go.

“Kaya nga second chance, bakit tatanggihan ang grasya, ‘di ba?” say ng aktres.

Pinalitan ni Maja si Erich Gonzales pero isang taon palang ang nakalipas ay muling ibinalik ang aktres.

Samantala, planong maging talent manager yata ni Maja dahil ang mga kapatid daw niya ay dinala niya sa ABS-CBN.

010915 maja

“Dinala ko ‘yung tatlo kong kapatid na babae, iprinesent ko kina Mr. M (Johnny Manahan), Ma’am Charo (Santos-Concio), Ma’am Malou (Santos), kasi naghahanap sila ng bagong mukha, eh, parang may hinahanap sila that time. So thank you girls mga kapatid ko.

“Tapos biglang tinanong ni Mr. M ulit ‘tong kapatid ko, sumunod sa akin, hayun, interesado raw sila, eh, ipagpapa-alam ko pa kay boss Vic (del Rosario) kasi Viva naman talaga kami, roon kami ihinabilin ng tatay ko. Kaya mag-uusap pa sila ng handler ko kung paano at sino ang magma-manage,” pahayag ng aktres.

Isa pang tinanong namin kay Maja ay ang tungkol sa seryeng Bridges kasama sinaJericho Rosales at Xian Lim na nitong Disyembre ay nabalitang umatras na ang huli dahil may gagawin siyang serye kasama si Kim Chiu.

Pero napangiti lang ang aktres at sinabi niyang mas magandang sa taga-production kami magtanong.

Sabi namin na si Paulo Avelino na pala ang kapalit ni Xian, ”hindi ko po alam,” mabilis na sagot ng aktres.

Hindi naman itinanggi ni Maja na nanghinayang siya sa pagkawala ni Xian, ”opo naman. Kasi, ang ganda ng workshop namin. ‘Kala ko, noong nagsama kami sa ‘Ina, Kapatid, Anak’, kilala ko na ‘yung Xian na nakilala ko. Eto, noong nag-workshop kami, nakitaan ko siya ng ibang side naman,” kuwento ng aktres.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …