Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady Journo itinumba sa Bataan

FRONTBINAWIAN ng buhay ang isang tabloid reporter makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang dalawang lalaking suspek na nakasakay sa magkahiwalay na motorsiklo sa Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Nerlita Ledesma, 48-anyos, reporter ng Abante at Abante Tonite.

Kasalukuyang nakabase sa Bataan ang napatay na reporter.

Samantala, blanko pa ang mga awtoridad sa Bataan kaugnay sa motibo sa pagpaslang sa reporter.

Naglunsad na ng manhunt operations ang Bataan PNP laban sa mga suspek.

Kapag napatunayang work-related ang insidente, si Ledesma ang ika-172 journalist na pinatay sa bansa.

Sa kabilang dako, iniimbestigahan din ng pulisya na posibleng land dispute ang motibo sa pamamaril.

Napag-alaman, ang bahay ni Ledesma sa Sitio San Rafael, Brgy. Cuyo ay pinagbabaril, isang taon na ang nakararaan ngunit wala ni isa man ang naarestong suspek.

Ambush kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Palasyo ang  pagpatay sa isang tabloid lady reporter sa Balanga City, Bataan kahapon ng umaga.

Tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., tinutugis na ng pulisya ang mga salarin na pumaslang kay Nerlita “Nerlie” Ledesma, 48, reporter ng Abante tabloid.

“Kinokondena at ikinalulungkot namin ang pagpaslang kaninang umaga kay Ms. (Nerlita) ‘Nerlie’ Ledesma ng pahayagang ‘Abante.’ Tinutugis na ng PNP ang mga pinaghihinalaang salarin at sila ay pinag-utusan na gawin ang nararapat upang panagutin ang mga nagsagawa ng krimen,” ayon kay Coloma.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …