Sa Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) ay maglalahad ng magaganda at nakapagbibigay pag-asa ang matutunghayang mga kuwento.
Ibibida ni Mader Ricky Reyes ang kasaysayan ni Jom na rati’y isang janitor pero sa pagsusumikap, pagtitiyaga, at pagsisikap ay umunlad. Ngayo’y may-ari na siya ng isang maunlad na travel agency.
Produkto naman ng Ricky Reyes Learning Institute si Kevin. Nagtiis siyang tipirin ang pera para may maibayad siya sa tuition fees. ‘Di baleng maglakad papasok at magtiis ng gutom, may maibili lang ng mga gamit pang-eskuwela. May sarili ng beauty salon si Kevin. Bongga na siya, ‘di na naglalakad at ‘di na nagugutom ngayon.
Sa taong ito na Year of the Wooden Sheep sa kalendaryo ng mga Tsino ay hinulaan ng mga psychic at feng shui expert na ang magiging matagumpay na negosyo ay ukol sa pagkain. Magbibigay ng tip si Mader kung ano-anong klaseng pagkain ang dapat itinda at kung saan dapat magtayo ng kainan para limpak ang kitain ng may-ari. Abangan ito para magkadatung sa 2015.
Kukumustahin ng GRR TNT ang magaling na Pinoy na si Arnel Pineda na lead vocalist ng The Journey. Ano-ano ang plano niyang gawin? Babalik ba siya sa dating mga kagrupo o patuloy na gagawa ng pangalan bilang solo artist?
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga itatampok sa GRR TNT prodyus ng ScriptoVisionngayong Sabado, 9:00-10: a.m. sa GMA News TV.
Basta si Mader ang katsikahan, laging makulay ang isang oras ng iyong buhay.