Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Back pack bawal sa papal visit

No backpackMAHIGPIT na ipagbabawal ang pagdadala ng back pack, iba pang klase ng bag at payong sa mga dadalo sa gagawing misa ni Pope Francis sa Quirino grandstand sa Luneta sa Enero 18.

Isa ito sa mga napagkasunduan sa pulong pangseguridad sa Palasyo na pinamunuan ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t bukas sa lahat ang misa, kailangang transparent plastic bag ang dadalhin ng mga tao.

Nanawagan ang Malacanang sa publiko na sundin ang patakaran, lalo na ang mga magdadala ng kanilang pagkain o mahahalagang gamit dahil para ito sa seguridad hindi lamang ng Santo Papa, kundi ng milyon-milyong katao na dadalo sa misa.

Ipalalabas din aniya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang drop-off points para sa dadalo sa misa.

Patuloy aniyang pinag-aaralan ang mga paghahanda sa pinakamahalagang okasyon ngayong 2015 upang hindi magkaproblema.

Ikinokonsidera rin aniya ang lahat ng sitwasyon upang mabuo ang paglalatag ng seguridad sa mga araw na nasa bansa ang Santo Papa .

Ano mang pagbabago ng ipatutupad sa seguridad ay agad na ipaaalam ng pamahalaan para sa kabatiran ng lahat.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …