Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

37K sundalo’t pulis bantay sa Pope Visit

sundaloUMAABOT sa 17,000 sundalo at 20,000 police personnel ang magbibigay ng seguridad kay Pope Francis sa pagbisita sa Filipinas simula Enero 15 hanggang Enero 19, 2015.

Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., nasa kabuuang 37,000 katao na security detail ang kanilang ide-deploy.

Sinabi ni Catapang, ito ang pinakamalaking contingent na kanilang idineploy para sa pagbisita ng isang pinuno ng estado.

Habang nilinaw ng heneral na ginagawa nila ito upang matiyak ang kaligtasan ng Santo Papa.

Idinipensa ni Catapang ang bilang ng mga sundalo at pulis na kanilang idedeploy sa Papal visit at inihayag na hindi ito maituturing na “over kill.”

Paliwanag ng heneral, dinagdagan nila ang pwersa ng AFP dahil maraming activities ang nakalinya sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa at umabot ito sa mahigit 40 aktibidad.

Kabilang sa ide-deploy ng AFP ay active members ng military at mga reservist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …