Friday , November 15 2024

1 patay, 19 sugatan sa pagsabog sa Bilibid

Bilibid gang warPATAY ang isang preso habang 19 ang sugatan sa pagsabog sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., nangyari ang pagsabog sa gate ng Building 5 Delta ng Maximum Security Compound.

Habang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayo, granada ang inihagis sa lugar at target ang isang high profile inmate na kinilalang si JB Sebastian, lider ng Commando gang.

Kinilala ang namatay na preso na si Jojo Fampo, 19-anyos, miyembro ng Commando gang.

Habang dalawa sa mga sugatan ang kritikal ang kalagayan na kinilalang sina Alvin Cruz at RJ Lacdal, nakaratay sa Ospital ng Muntinlupa bunga ng mga tama ng shrapnel sa katawan at ulo.

Habang nilalapatan ng lunas ang 17 pang biktima sa NBP Infirmary.

Karamihan sa mga biktima ay miyembro ng Commando gang at isa ang mula sa grupong “Batman.”

Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang MK-2 fragmentation grenade ang sumabog ngunit beberipikahin pa ito ng bomb squad ng National Bureau of Investigation (NBI). (JAJA GARCIA)

Kontrabando pa nakompiska

MAY nakompiska pa ang mga awtoridad na mas maraming kontrabando mula sa mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., hanggang nitong Martes, Enero 6, umabot sa 19 iba’t ibang uri ng baril ang nakompiska nila bukod sa 403 iba’t ibang uri ng bala.

May narekober din silang 19 sumpak, 78 patalim, tatlong granada at 268 appliances na kinabibilangan ng ilang aircon, flat screen TV, computer, refrigerator at DVD player.

Binanggit ni Schwarzkopf na ilan sa nakompiskang mga kontrabando ay isinuko mismo ng mga preso.

1 pang opisyal sinibak ni De Lima

SINIBAK ni Justice Secretary Leila De Lima sa serbisyo si New Bilibid Prisons Assistant Supt. Catalino Malinao dahil sa kasong administratibo.

Sa resolusyon na may petsang Nobyembre 18, 2014, napatunayang guilty si Malinao sa mga kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service.

Nag-ugat ang kaso nang pakialaman ni Malinao ang ginawang paghahalughog ng Special Patrol Unit o SPU ng Bureau of Corrections sa selda ng inmate na si David Allen Uy sa compound ng Amazing Grace Chapel, Building 11 noong Hulyo 7, 2014.

Kabilang sa mga nakompiska ng SPU ang isang DVD writer, isang external memory, cable wires, isang USB at Lenovo laptop na inisyu ng Bucor kay Malinao.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *