Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

US drone dapat suriin ng Pinoy experts — Solon (Kung spy o target)

US dronesHINDI dapat i-turn over ng Filipinas sa Estados Unidos ang US drone na natagpuan sa lalawigan ng Quezon kamakailan.

Ayon kay House committee on national defense and security chairman Rodolfo Biazon, nananatili ang kanilang pangamba na nag-eespiya ang Amerika sa Filipinas.

Sinabi ni Biazon, dapat dalhin ang US drone sa kampo Aguinaldo at ipaeksamin sa Filipino experts upang tukuyin kung spy o target drone ito.

Kung target drone lamang ito ay walang dapat ipangamba dahil hindi ito panganib sa seguridad ng bansa.

Ngunit kung makikitang may audio at visual surveillance component ito tulad ng spy drone, kakailanganin pa nang mas masusing eksaminasyon at pag-aaral dito.

Iginiit ni Biazon na kung spy drone ito ay dapat na magpaliwanag ang US kung ano ang layunin sa pag-deploy nito sa bansa at kung aprubado ba ito ng security agencies ng Filipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …