Saturday , November 23 2024

Timpalak Uswag Darepdep ng KWF itatampok ang mga likha ng kabataang manunulat sa rehiyon

uswag darepdepSa unang pagkakataon, kikilalanin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga pinakamahusay na akdang pampanitikan na isinulat ng mga kabataan sa rehiyon sa timpalak nitong Uswag Darepdep.

Para sa taóng 2014-215, tatanggap ng mga lahok para sa maikling kuwento at tula sa wikang Ilokano, Bikolano, Sebwano, at Mëranaw. Maaaring magsumi-te ng tag-isang entri para sa maikling kuwento at tula ang mga kalahok.

Kinakailangang hindi kukulangin sa sampung pahina at hindi hihigit sa 25 pahina na maki-nilyado o kompiyuterisado at may isang pahinang sinopsis ang ipapasang maikling kuwento. Kinakailangan namang magtaglay ng hindi kukulangin sa sampung tula at hindi hihigit sa 15 tula ang isasaling mga tula.

Ipapasa ang mga lahok na nasa anyong PDF, doble espasyo (maliban sa tula) sa 8 ½ x 11″ na papel, may palugit na 1″ sa bawat gilid. Ang mga bilang ng pahina ay kailangang sunod-sunod at nakagitna sa footer ng bawat pahina. Kinakailangang Arial o Times New Roman at may laking 12 pt. ang font.

Ilalagay ang mga sumusunod sa isang selyadong long brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman ng digital na kopya ng entri; (3) notaryadong pormularyo sa paglahok (mada-download sa kwf.gov.ph o KWF sa Facebook); (4) notaryadong pormularyo sa pahintulot ng magulang; (5) at sertipikasyon mula sa prinsipal para sa mga estudyante o sertipikas-yon mula sa mga opisyal ng barangay para sa mga out-of-school youth. Tanging ang pamagat lamang ng lahok at ang kategorya nito ang isusulat o ilalagay sa envelope.

Ipapadala ang naturang dokumento sa: Lupon sa Gawad, 2/F Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Lungsod Maynila. Tatanggap ang KWF ng mga lahok bago o sa 2 Marso 2015, 5 nh.

Tatanggap ang mga magwawagi sa bawat rehiyon ng me-dalya mula sa KWF at ng mga sumusunod na gantimpalang salapi: P10,000.oo (unang gantimpala), P5,000.000 (ikalawang gantimpala), at P3,ooo (ikatlong gantimpala).

Pinal at hindi na mababago ang pasiya ng Lupon ng Inam-palan. Nasa may akda ng nagwa-ging lahok ang unang opsiyon na mailathala ang kaniyang gawa nang walang royalti.

Halaw ang pangalan ng timpalak sa Sebwanong “uswag” na nangangahulugang “sulong” at sa Ilokanong “darepdep” na katumbas ng “haraya”.

Bumisita sa kwf.gov.ph para sa mga pormularyo at panuntunan. Para sa mga karagdagang detalye maaaring tumawag sa 736-2519 at hanapin si G. Evie Duclay, o magpadala ng email sa komfil.gov.ph.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *