Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy pictorials ni Coleen sa Maldives Island, ginaya ng sexy actress

010715 coleen garcia

00 fact sheet reggeeUSAP-USAPAN sa non-showbiz friends namin ang mga litrato ni Coleen Garcia na super sexy na kuha sa Maldives Island na roon sila nagbakasyon ng boyfriend niyang si Billy Crawfordnitong nakaraang holidays.

Magaganda ang kuha ni Coleen kaya’t maski mga babae ay napahanga niya at siyempre ang mga kalalakihan naman ay napanganga na lang at sabay sabing, ”ang suwerte ni Billy Boy.”

Parang pictorial para sa isang kalendaryo o promo ng nasabing resort ang pose ni Coleen kaya naman maraming nagka-idea na gayahin ang ginawa niya at may nakita na nga kaming sexy actress na hindi na namin babanggitin ang name na kamakailan lang ay nag-post din ng mga litrato niyang naka-two piece sa isang mamahaling resort sa Pilipinas.

Posible kayang gamitin ang mga litratong ito ni Coleen sa promo ng pelikulang Ex with Benefits kasama si Sam Milby?

Tutal akma naman sa titulo ng pelikula ang mga posing ng dalaga, ‘di ba Ateng Maricris?

At kung sa Maldives nagpalipas ng Bagong Taon sina Billy aty Coleen, sa El Nido Beach, Palawan naman si Sam kasama ang pamilya hanggang Enero 2 at lumipad patungong Balesin Island ng araw ding iyon para sundan naman ang Cornerstone talents at staff para sa kanilang yearly career planning na pinamumunuan ng manager nilang si Erickson Raymundo.

Samantala, hindi naman siguro pagseselosan ni Billy si Sam sa mga kissing scene nila ni Coleen dahil balita namin ay sexy ang kuwento ng Ex with Benefits at tiyak naman kami na hindi rin naman tataluhin ng Rockoustic heartthrob ang leading lady niya dahil wala naman siyang record na nanunulot.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …