Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakikipagbati ni Kris kay Ai Ai, ‘di raw showbiz

031514 aiai kris

00 fact sheet reggeeBUKAL sa puso nina Ai Ai de las Alas at Kris Aquino ang pagbabati nila, ito ang gustong iklaro ng Queen of All Media sa kuwento niya sa Aquino and Abunda Tonight noong Martes ng gabi.

‘Showbiz’ lang daw kasi ang naganap na batian dahil nga maraming tao noong batiin ni Kris si Ai Ai kaya napilitang ngumiti na rin.

Pinatunayan ni Kris na hindi showbiz, ”I felt that we were bound to bump in each other, so inisip ko na I want to give her something with meaning and kasi all these years that we’re together in ‘PGT (Pilipinas Got Talent)’, we have a strong faith. Mayroon pang times na bago kami mag-show, ‘yung mga friend na priest ay magma-master up, kaya if I would reach out, I wanted naman also to have a gift.

“Naisip ko kasi na baka kung iba ang iregalo ko, baka ibato lang sa akin pero kung may Mama Mary, tatanggapin niya. Kaya naglakas ako ng loob and I’m being ready to snub me, so I said, ‘happy new year’ tapos sabi ko may regalo ako at nakabalot in apple green, her favorite color.

“And then simple lang ‘yung isinulat ko sa card, sabi ko, ‘sana handa na ang puso mo na kaibiganin ako ulit.”

Nagkapalitan nga raw sila ng mensahe ang dalawang aktres habang nasa Japan si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Kuwento pa ni Tetay, ”magaan (pakiramdam) na we don’t have to avoid each other at ang dami naming mutual friends na hindi malalagay sa alanganin. I think it’s also testament na kung nasaan kaming dalawa ngayon sa parte ng buhay namin kaya may maturity na, answered prayer.”

Dagdag pa ni Kris na nag-text sa kanya si Ai Ai ng, ”salamat ha,” at sinagot naman daw ng una ng, ‘thank you at nag-text ka sa akin.’

“There’s no need na ungkatin nating lahat, nasabi niya, nasabi ko, parang we will be able to be friends again.”

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …