Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbuntis ni Coco kay Kris, iginiit ng manghuhula

 

ni Alex Datu

120414 coco martin kris aquino

SA pag-guest ng manghuhulang si Robert Daz sa Gandang Gabi Vice ay pinanindigan nito ang hula dalawang taon na ang nakalipas na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino.

Tinawanan lang ito ni Vice na halatang ayaw maniwala sa hula pero ano kaya kung out of the blue ay biglang sabihin ng manghuhula na isa sa kanyang mga mahal sa buhay ay babawian ng buhay. Tiyak pagtatawanan ng komedyante ang magiging hula ni Daz pero ilang araw lang ang nakalipas ay namatay ang lolo na sobra nitong ipinagdalamhati.

Kung matatandaan, nawerduhan si Kris ito sa hula dahil hindi sila close ng aktor at never silang nag-bonding. Pinagtawanan niya ito dahil imposibleng magkatotoo dahil nababalitang nali-link noon ang aktres sa ibang aktor pero palihim nga lang daw.

Pati si Coco na isa rin sa mga guest ng nasabing TV show at kasama ni Kris sa Feng Shui 2 ay sobrang nagtaka dahil hindi naman nito katsika ang aktres.

Sa puntong ito, ipinaliwanag ng manghuhula na hindi naman magaganap agad ang kanyang hula pero nararamdaman nito na ang kanilang pagsasama sa Feng Shui 2 na siyang maging daan para mapalapit sa isa’t isa ang dalawa na siyang nangyayari ngayon.

Anang manghuhula, na-delay lang ang hula pero ‘yun pa rin ang kanyang vibration na mabubuntis ng aktor si Kris at magsisilang ng isang baby girl.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …