Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong Dantes, handa nang pasukin ang politika

ni Ronnie Carrasco III

010815 Dingdong Dantes

IF an observer is discerning enough, tinitiyak niya na pagkatapos niyang mapanood ang pre-nuptial video ni Dingdong Dantes, kasama ang napangasawa nito, ay isa lang ang kanyang kongklusyon: the actor is getting ready for politics.

Isang nakapanood ng kabuuan ng nasabing video ang tila tiyak na tiyak sa kanyang obserbasyon. And why?

Sa ilang tagpo roon ay makikitang nagpakamasa ang couple, feasting on street food tulad ng fishballs. To capture an even more mass look, sakay ang dyowa niya ng tricycle na minamaneho ni Dingdong.

And the most telling scene na tiyak na raw ang pagpalaot ng aktor sa larangan ng politika ay ang sanrekwang mga kabataan, obviously in their voting age who comprise one of the biggest voting sectors.

May sektor ng kabataan, may labor sector tulad ng mga tsuper at tindero sa lansangan, aren’t those just the right people na sa ngayon pa lang ay kailangan nang suyuin ni Dingdong?

Dingdong in politics, and why not?

An actor with a wholesome and reputable image, dedicated to his craft, titulado, may laman ang utak at guwapo, tiyak na mayroong paglalagyan si Dingdong sa bagong mundong papasukin niya.

Ang tanong: lokal ba o sa pambansang puwesto?

Our source sounds certain and infallible enough nang tiyakin nito na hindi local post ang pinupuntiryang sungkitin ni Dingdong, as in mayor o vice mayor o congressman (pero shoo-in siya bilang councillor-wannabe). Mahihirapan daw kasing makalusot si Dong given the odds tulad ng makinarya ng mga datihan nang nanunungkulan sa lugar.

In other words, Dong stands a good fighting chance should he run for national office, what else kundi senador?

Malaking bentahe ni Dong na isa siyang sikat na aktor, add to this ay ang pagiging identified niya sa incumbent administration ni PNoy.

Support-wise, Dong has too much of it mula sa buong industriya ng showbiz at mga galamay ni PNoy at ng mga kaalyado nito.

Kapag nagkataon, ang rivalry ng misis ni Dingdong at ang soon-to-be Mrs. Love Marie Ongpauco-Escudero a.k.a. Heart Evangelista will definitely cross over hanggang sa Senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …