Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dila ng med student nilaslas ng holdaper

112514 crime sceneMUNTIK maputulan ng dila ang babaeng 29-anyos medical student nang laslasin ng isang holdaper makaraan magsisigaw ang biktima upang humingi ng tulong habang hinoholdap ng suspek sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Maria Regina Gabriel, estudyante ng Our Lady of Fatima University (OLFU), residente sa F. Bautista St., nilalapatan ng lunas sa pagamutan dahil sa sugat sa dilang hinatak at nilaslas ng suspek.

Habang nakatakas ang hindi nakilalang suspek tangay ang bag ng biktima na naglalaman ng mamahaling gamit pang-medikal sa kanyang pag-aaral, iPhone 4s at P1,500 cash.

Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela police chief, Senior Supt. Rhoderick Armamento, naglalakad papasok sa pamantasan ang biktima dakong 6 a.m. nang harangin ng suspek na armado ng patalim sa kahabaan ng Bautista St.

Tinutukan at itinulak ng suspek ang biktima sa pader sabay deklara ng holdap ngunit sumigaw ang estudyante sa paghingi ng tulong kaya’t hinatak ng salarin ang kanyang dila at nilaslas.

Bunsod ng sigaw ng biktima ay lumabas sa kanilang bahay ang mga residente kaya mabilis na tumakas ang suspek.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …