Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bahay ng suspek sa indiscriminate firing sinalakay (Sa Ilocos Sur)

indiscriminate firing ilocosVIGAN CITY – Bigo ang pamunuan ng pambansang pulisya sa probinsiya ng Ilocos Sur na makompiska ang lahat ng mga baril na ginamit noong Bagong Taon sa Brgy. San Antonio, sa bayan ng Narvacan.

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) at regional intelligence division, ang nasabing barangay.

Isinagawa ang raid sa pangunguna ni ISPPO acting director Senior Supt. Nestor Felix, kasama ang CIDT-Ilocos Sur, regional intelligence division, regional public safety battalion (RPSB), provincial intelligence branch at kinatawan sa media at sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Marita Balloguing, RTC Branch 20 Vigan City, at hinalughog nila ang bahay nina Cesar Funtanilla at Geronimo Gomez.

Ngunit sa kabila nito, pursigido ang provincial director na mapanagot ang mga nagkasala sa nangyaring pagpapaputok ng baril.

Una rito, sinampahan ng kasong alarm and scandal ang mga suspek sa indiscriminate firing na sina Ian Christopher Calixterio, Russel Funtanilla, Cezar Funtanilla, Mark RJ Cabana, Philip Andrew Funtanilla, Mark Cachola, Jumar Cabreros, at Geronimo Gomez.

Kinompirma ng police director na isa sa mga sangkot sa indiscriminate firing ay anak ng pulis, ngunit hindi niya pinangalanan dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …